Galing ako sa Pag Ibig Fund sa Makati branch nila kanina. Pangalawang dalaw ko. ito ang ahensya ng gobyerno na nangangasiwa sa pagpapabahay ng mga Pilipino na nagnanais na magkaroon ng sarili nilang bahay sa pamamagitan ng pag papaluwal ng pondo ng gobyerno. Sabi nila kasi mas madali daw makapag loan sa ngayon dahil sa pamamahala ni VP NOLI DE CASTRO. Napapanahon kasi ngayon ang Real Estate dahil mababa ang singil nila at maganda ang mga programang inihatag sa ating mga manggagawa. Pinataas ang halaga na maari mong mahiram at mabayaran sa mas murang halaga at mas pinahaba na panaho. May mga amnestiya rin sa mga hindi nakakahulog ng sapat. Marahil nababagay si Kabayan Noli sa kaniyang ahensya sapagkat bingyan niyang halaga ang pinakamahalagang bagay sa atin Pilipino. Ito ang magkaroon ng sariling bahay sa murang halaga. Alam naman natin na napakahirap ng buhay sa Pilipinas at hindi madali ang makahanap ng trabaho at makaipon. Ngayon may bago na tayong presidente at malamang ay papalitan na si Kabayan Noli. Nagdarasal ako na sana manatili siya sapagkat sa pamunuan ni Gloria siya lang ata ang hindi napabalitang tiwali sa trabaho, maliban sa kanyang personal na buhay.
Maikwento ko lang ang nangyari sa pagdalaw ko sa ahensya kanina. Napasyal kasi ako sa Pag Ibig dahil nag try ako mag loan…medyo comedy pa nga ang nangyari kasi pagdating namin dun sabi kumuha kami ng number sa 2nd table. Binigyan niya kami ng green number 21, pagkatapos naghanap na kami ng mauupuan. Medyo maraming tao at may kainitan sa loob ng ahensya. Biglang sumigaw yung babae ng “no. 23″ hanggang sa naubos na ang numbers. Lapit ako ng lapit sa frontdesk at tanong ng tanong kung tinawag na ba ang 21. Ang sabi hindi pa, eh nagulat ako nang biglang tawagin ang green no. 1. Kaya naman pala eh inubos muna nila ang blue na numbers pagkatapos ay sunod na tatawagin ang green numbers. Eh kahit naman pala maaga akong pumunta kung ang siste ay uubusin muna ang isang kulay ay hindi ka nga maaga matatapos sa pakay mo sa ahensya. Eh paano kung ikaw ay naiinip na tapos naglagay ka ng headset para pampalipas oras, tas tinawag na pala number mo? Magugulat ka na lang na wala na palang tao at ayun nilampasan ka na pala. Sana gawin nilang mas maayos ang sistema sa pagpila sa pag aayos ng mga kakailanganin sa pagpa file ng loans para sa gayon ay hindi maabala ang bawat isa at hindi maantala ang ang pakay natin. Kasi hindi lang naman ito ang pinagkaka abalahan natin sa araw araw, lalo na kung kinailangan mo pang lumiban sa trabaho para lang maasikaso ito.
i-click lamang ang link upang mare-direct sa website ng PAGIBIG FUND
http://www.pagibigfund.gov.ph/
